Abante Tonite Interactive

Hyundai warranty walang kuwenta

433

Nagsisisi ang negosyanteng si Tessa Tabungar sa pagkakabili niya ng H­yundai Starex sa Manila Bay dealership noong 2015.

Duda kasi siya sa Hyundai dahil South Korean ito at mas sanay na siya at kampante sa mga Japanese brand ng sasakyan. Pero naglakas loob siya dahil sa five-year warranty ng Hyundai kaya’t bumili siya ng Starex.

Sa casa niya parati pinapa-service ang kanyang Starex. Paminsan-minsan, mabagal ang trabaho ng Hyundai Manila Bay kaya pinu-pullout niya ito ‘pag hindi pa tapos at may kailangan siyang takbuhin.

Abante Hiring – IT dep

Iba ang takbo ng kanyang Starex sa iba niyang sasakyan pero inisip lang niya na dahil hindi ito Japanese na s­asakyan kaya medyo parang lata ang dating.

Nang dalhin niya sa Hyundai Manila Bay ang kanyang sasakyan noong Mayo 23, sinabihan siya ng dealership na kailangang palitan ang turbo ng kanyang Starex at aabutin ito ng P90,000.

Pinaalala ni Tabungar na under warranty pa ang sasakyan at hindi niya mawari kung paano masisira ang turbo gayong city driving lang naman ang ga-mit dito, panghatid at sundo ng mga anak at pagpunta niya sa mga meeting.

Sinabihan siya ng isang Lyndon ng Hyundai Manila Bay na hindi iyon co-vered ng warranty dahil kailangan ng 50% down payment para ito magawa.

Noon pa lang niya naisip na baka niloloko na siya ng dealership dahil tuwing inuuwi niya ang Starex pagkaga-ling sa service ng Hyundai Manila Bay, pakiramdam niya ay pumapangit ang takbo ng sasakyan.

Dahil sa duda niya, dinala niya ang Starex sa Hyundai Sucat dahil ayaw naman niyang ipagalaw sa hindi Hyundai ang kanyang sasakyan para makaka-avail pa siya sa warranty nito.

Sa Hyundai Sucat, sinabihan siyang hindi naman turbo ang problema kundi ang rack and pinion na ibang parte ng sasakyan. Marami ring nakita ang H­yundai Sucat na mga maling gawa sa kanyang sasakyan.

Kinukutuban na siya ng masama pero dahil magkaiba ang rekomendasyon ng dalawang Hyundai dealership ay dinala niya ito sa pangatlo, sa Hyundai Alabang.

Magkatugma ang findings ng Alabang at Sucat na hindi kailangang palitan ang tubo ng kanyang Starex.

Umapela si Tabungar sa Hyundai Phi-lippines pero imbes na pakinggan nito ang dealership ng Sucat at Alabang ay sinalo lang nito ang Hyundai Manila Bay.

Babala ni Tabungar sa mga bibili ng sasakyan, huwag sa Hyundai dahil disposable lang umano ito at walang kwenta ang five-year warranty na alok nito.

Dagdag pa niya, mas matagal pa ang warranty ng kanyang refrigerator na 10 taon. (Eileen Mencias)