Abante Tonite Interactive

‘I do’ ng 300 couple pinangunahan ni Isko

316

Pinangasiwaan ni Manila City Ma­yor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagdiriwang ng Valentine’s Day kahapon.

Ginanap ito sa Pag-IBIG Fund Tent City sa Manila Hotel sa koordinasyon ng Pag-IBIG Fund annual mass wedding, na may temang ‘I Do, I Do! Araw ng Pag-IBIG’.

Kasunod ng mass wedding, isang masaganang salo-salo ang ipinagkaloob sa mga bagong kasal na nasa 300 mag-asawa.

Bukod pa dito ang mga pangaral na ipinabaon ng alkalde sa mga bagong kasal para maging gabay nila sa kabilang pagsasama.

Kabilang ang mga kinasal ni Domagoso sa 1,300 kabuuang couple na ikinasal sa Araw ng mga Puso at inisponsoran ng Pag-IBIG. (Juliet de Loza-Cudia)