Abante Tonite
Mabilis sa Balita

I-lifestyle check hanggang mga barangay official

0 65

Tutal ay masigasig si Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga sangay ng gobyerno laban sa korapsyon mas mabuting idamay na ang mga local government officials mula mga taga barangay lalo na si Chairman.

Sayang naman ang pagpupursige ni Pangulong Duterte na linisin ang gobyerno kung may mga halal na opisyal pa mandin ng taumbayan na hindi maipaliwanag ang biglaan nilang pagyaman.

Dapat ay kumilos na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagbusisi sa yaman ng mga halal na opisyal ng gobyerno.

Wala dapat exempted dito. Kahit si Chairman ay dapat busisiin kung saan nanggaling ang kanyang yaman.

Sa totoo lang napakaraming barangay captain lamang ay nuknukan na ng yaman.

Mga barangay chairman na alam mo namang wala talagang maraming salapi pero magugulat ka at sangkatutak na ang ari-arian.

Ang mga ganitong opisyal ng pamahalaan ang dapat iniimbestigahan at kapag napatunayang gumagawa ng kalokohan ay parusahan

at kasuhan rin para makulong upang hindi maparisan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Baka akala kasi ng mga chairman hindi sila saklaw ng mga polisiyang ipinatutulad ng gobyerno.

Sorry kayo mga chairman dahil hindi hahayaan ng gobyernong ito na magpakatakaw kayo sa kapangyarihan at kayamanan gamit ang inyong poder.

Higit sa lahat ay hindi dapat kayo manatili sa inyong posisyon dahil nakakatakot kayo kapag tumaas pa ang tungkulin sa gobyerno.

Tamang-tama ang paglilinis mula sa chairman pataas upang sa darating na eleksyon ay malantad na ang kanilang kalokohan.

Kung may matitinik na chairman, marami ring councilor, vice mayor at siyempre ay mga mayor ang walang patumangga sa paggamit sa kanilang posisyon para yumaman.

Walisin na rin ang mga ito dahil wala na silang ginawa kundi magpayaman gamit ang pera ng taumbayan.

Napakami nila sa gobyernong ito na kung tututukan lang lahat ng Ombudman ang mga nakasampang kaso ay tiyak na mawawala silang lahat sa serbisyo.

Kaya hangad natin sa ilalim ng pamumuno ni Ombudsman Samuel Martires ay mabuhay ang lahat ng nakabinbing mga kaso ng mg LGU executives para naman luminis na ang ating pamahalaan katulad ng matagal nang pinapangarap ng maraming Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.