Abante Tonite
Mabilis sa Balita

I-takeover mga hotel ‘pag umapaw COVID patient – Digong

0 313

Maaari umanong i-take over ng pulis at militar ang operasyon ng mga hotel kung sakaling wala na talagang magamit na hospital bed dahil sa pagdami ng COVID case.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Pangulo Rodrigo Duterte na maaari nitong utusan ang puwersa ng gobyerno kung wala na talagang ibang paraan.

Gayunman, hindi aniya ito ang naaayong remedyo sa bansang may demokrasya.

“When we are pushed to the wall, either by the microbe itself or by external, internal, I can always order the military and the police to go there and confiscate the operation of the hotels,’” anang Pangulo.

Aniya pa, mangyayari lamang ito kung sasabihin ng mga eksperto na nasa kritikal na kondisyon na ang bansa at wala nang lugar para makagalaw nang ligtas at maayos ang mga doktor at nurse.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magpapaalam naman aniya ito sa mga may-ari ng hotel na hihiramin muna ang kanilang mga hotel at pagkatapos gamitin ng mga pasyenteng may COVID ay lilinising mabuti.

“Sabihin ko sa hotel, adre pasensiya ka na. Kailangan ko ‘yang hotel mo. Hiramin ko lang. And after that I will clean it up, spick and span, and I will decontaminate everything there like to its former glory,” dagdag ng Pangulo.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases ay punong-puno na ang mga hospital sa inilaang kama para sa mga COVID patient at marami ang naghihintay para ma-admit sa pagamutan. (Aileen Taliping)

!– wp:embed {“url”:”https://www.youtube.com/watch?v=z5PpbLOeChw\u0026feature=emb_title\u0026ab_channel=Abante”,”type”:”video”,”providerNameSlug”:”youtube”,”responsive”:true,”className”:”wp-embed-aspect-16-9 wp-has-aspect-ratio”} –>

https://www.youtube.com/watch?v=z5PpbLOeChw&feature=emb_title&ab_channel=Abante

Leave A Reply

Your email address will not be published.