Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ian, Bea posible ang balik-tambalan sa GMA ; Ogie bagong manager

0 346

Opisyal na ngang si Ogie Alcasid of ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management) na ang mamahala ng singing and acting career ni Ian Veneracion.

Sa presscon na ginanap kahapon kung saan ay pormal na inanunsyo ni Ogie na parte na ng ATeam si Ian, parehong masayang-masaya at excited ang dalawa sa kanilang bagong pagsasama bilang talent at manager.

Ayon kay Ian, isa si Ogie talaga sa mga unang-unang sumuporta sa kanya nang pasukin niya ang larangan ng pagkanta and in fact, nag-produce pa ang singer/songwriter ng concert para sa kanya noong 2019, ang In Colors at nasundan pa ng Kilabotitos.

Maraming plano sina Ian at Ogie at ayon nga sa aktor, he really appreciates the fact na talagang sinusuportahan siya ng singer sa mga concepts at ideyas niya kahit bago pa lang siya sa music industry.

Looking forward na nga si Ian sa mga gagawin nilang concert ni Ogie lalo nga sa abroad dahil iba raw talaga ang fulfillment kapag nagco-concert ka para sa mga kababayan natin sa ibang bansa.

Ang pag-arte naman daw ay never naman niyang isasantabi and in fact, katatapos lang daw niya ng Netflix action series na A Love To Kill.

“Na-miss kong gumawa ng action. Sobrang action ‘to. As in better than all action movies I’ve done in the 90s,” sey ni Ian.

Nang matanong naman si Ian kung open pa ba siyang makatrabaho ang dati niyang nakaparehang si Bea Alonzo na ngayon ay Kapuso na, aniya ay malaki raw ang possibility talaga since wala naman siyang kontrata sa kahit anon’g network at marami rin naman daw platforms ngayon.

Nakantyawan naman si Ogie kung ima-manage rin ba niya ang misis na si Regine Velasquez, pabiro ring sagot ng singer-songwriter na hindi raw niya kaya dahil boss niya ito.

Nilinaw rin ni Ogie na bagama’t nagma-manage siya ng talents ay may sarili pa rin siyang manager na si Leo Dominguez.

“Ni sa panaginip, hindi ko naman na-imagine na magiging manager ako. However, I guess, in my desire and passion to help artists who have managers to fulfill their dreams, that’s why I formed, ATeam,” ani Ogie.

Marami raw tayong mahuhusay na talents pero ang managers ay kakaunti lang kaya naman nais daw niyang makatulong sa ibang mga artists.

Leave A Reply

Your email address will not be published.