Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ian ‘di hiwalay sa esmi

0 100

NI: VINIA VIVAR

Tila sagot ni Ian Veneracion sa malisyong tsismis ngayon sa kanila ni Sue Ramirez ang laman ng kanyang Instagram post kahapon.

Sa kanyang cryptic post, sinabi ni Ian na hindi raw niya kailangang idepensa ang sarili sa kasinungalingan.

“I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment.

“I don’t need to defend myself from the lies of perverts,” ang pahayag ni Ian.

Sa kanyang caption ay inamin ni Ian na pissed-off siya at nilagyan pa sa dulo ng hashtag na #happilymarried.

“Once upon a time I was pissed. #happilymarried,” ang caption ni Ian.

Nag-ugat ang tsismis kina Sue at Ian sa isang blind item na nagsasaad na hiwalay na raw sa asawa ang isang aktor na nasa 40s na at may maamong mukha. Nakalagay din sa BI na may isang starlet umano na nagpi-flirt sa kanya.

Ang hula ng mga netizen ay sina Sue at Ian ang tinutukoy sa BI since magkasama ang dalawa sa sitcom na Oh My Dad sa TV5.

Nauna nang nilinaw ng boyfriend ni Sue na si Javi Benitez na mali ang hula ng netizen.Maging ang producer na si Atty. Joji Alonzo ay nagbigay din ng paglilinaw tungkol dito.

“I produce Oh My Dad for Brightlight. There is absolutely nothing going on between Ian and Sue. Sorry, wrong guess,” ang pahayag ni Atty. Joji. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.