Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ian hinabol ng 3 anak

0 178

Babanat na sa pagpapatawa at pagbibigay ng saya si Ian Veneracion sa pagbabalik niya sa family sitcom na Oh, My Dad ngayong Sabado, Oktubre 25, 5-6PM sa TV5.

Sa sitcom na Joey & Son unang nakilala si Ian bilang batang anak ni Joey de Leon. Matapos maging matinee idol, action at drama star, binalikan ni Ian ang sitcom after 40 years!

Eh base naman sa reaction ng mga nakapanood sa rushes ng sitcom na ginawa ni Ian, swak na swak rin siya sa pagpapatawa. Likas pa rin ang husay niya sa komedya at pasadung-pasado!

Ang konsepto ng OMD ay ibinato ng producer na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa Team ng Brightlight Productions na sina Albee Beniez, Pat P. Daza at Corinna Vistan.

Binigyan agad nila ito ng go-signal kaya kinuha ni Atty. Joji upan maging writer si Alpha Habon. Siya ang writer ng film festival entry ng Quantum Film na Buy Now, Die Later. Nakitaan siya ng potensiyal ni Atty. Joji kaya nakaplano na ang movie directorial debut niya.

Ang award-winning TV and movie director na si Jeffrey Jeturian ang kinuhang director ng OMD. Sa totoo lang, si Jeturian ang director ng dating TV show na produced at hosted ni Atty. Alonso. Bale reunion nila ito after 28 years!

SM food to go Banner Ad

Hangad ni Atty. Joji na makatulong sa TV workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang dala ng COVID-19 kaya sumbak muli sa TV production at magbigay ng saya at kaligayahan sa manonood sa sitcom.

Sa kuwento ng OMD, sikat na basketball player pero bad boy si Ian bilang Mathew. Most Valuable Player siya at mabenta bilang endorser, showbiz gigs kaya naman bongga ang lifestyle.

Pero nabahiran ang linis ng pangalan niya nang masangkot sa isang eskandalo kaya napilitan siyang lumipad sa Amerika. Bumalik sa bansa matapos ang ilang taon at isa pa ring bachelor. Umaasa rin siyang maibabalik ang kasikatang tinamasa dahil agad siyang may offers.

Pagbalik nga lang ni Matthew, may naghahabol sa kanyang anak – hindi lang isa kungdi tatlo!

Makakasama ni Ian sa Oh, My Dad si Dimples Romana na gaganap na kababata niya. Unang sabak ito ni Dimples sa sitcom matapos hangaan sa husay sa Kadenang Ginto.

Maghahabol bilang anak ni Ian sina Sue Ramirez, Louise Abuel at Adrian Lindayag.

Tutukan tuwing Sabado ang pampamilyang sitcom na Oh, My Dad, 5-6PM sa TV5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.