Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ian, Hotshots sinalya Tropa

0 55

Mga laro sa Linggo

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm – TNT vs Magnolia

6:30 pm – Meralco vs SMB

Kinamada nina Ian Paul Sangalang at Andy Mark Barroca ang halos kalahati na poduksiyon ng Magnolia Chicken Timplados upang resbakan ang TNT, 92-88, para itabla sa 1-all ang kanilang 47th Philippine Basketball Asociation Philippine Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City Biyernes ng gabi.

Tumagpas si Sangalang ng 20 points, 8 rebounds at 1 assist sa turnover-free 32:37 job kabilang ang dalawang krusyal na basket sa endgame upang ipagpagpag ang rally ni Michael ‘Mikey’ Williams at Tropang Giga mula sa 19 puntos na pagkakalubog.

Ang maangas na niladlad ng 30-taong-gulang, mat 6-7 taas na center-forward mula sa Pampanga ang nagbigay sa kanya ng player of the game.

Kinayod ni Barroca ang 16 sa 22 markers niya pang-ibabaw sa 5 boards, 3 steals at 2 feeds para maipaghimagsik ang 108-96 loss ng kampo sa race-to-four win series opener noong Miyerkoles.

Dehins naman kinaya ng 28 puntos ni Williams na maisalba ang Tropa mula sa pagkalubog sa 77-58 pagkalipas ng triple ni Barroca, may 10:53 pa sa final quarter.

Bumawi rin ang Meralco (1-1) kontra San Miguel Beer (1-1), 99-88.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mga iskor

Unang laro

Meralco 99 – Hodge 17, Black 15, Maliksi 15, Newsome 14, Jose 13, Banchero 9, Quinto 9, Almazan 7, Pasaol 0, Baclao 0, Pascual 0, Belo 0, Caram 0.

San Miguel Beer 88 – Fajardo 22, Lassiter 16, Perez 14, Cruz 11, Manuel 7, Herndon 6, Tautuaa 5, Brondial 4, Ross 3, Enciso 0.

Quarters: 34-20, 51-48, 76-72, 99-88.

Pangalawang laro

Magnolia 92 – Barroca 22, Sangalang 20, Abueva 18, Lee 10, Reavis 9, Wong 5, Jalalon 4, Dela Rosa 2, Laput 2, Dionisio 0.

TNT 88 – M.Williams 28, Castro 17, Erram 13, Pogoy 11, Rosario 10, K.Williams 6, Montalbo 3, Khobuntin 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Ganuelas-Rosser 0.

Quarters: 18-12, 39-29, 69-58, 92-88. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.