Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ian, Magnolia nilaklak Alaska

0 35

Natagpuan ni Paul Lee si Ian Sangalang sa ilalim sa final second at kinumpleto ng Magnolia Hotshots ang 84-82 win laban sa Alaska sa second game sa Ynares Arena-Pasig Miyerkoles ng gabi.

Ninakawan muna ni Rome dela Rosa si Yousef Taha kaya bumalik sa Hotshots ang bola 16 seconds na lang.

Layup ni Sangalang din ang humatak ng eighth at final deadlock sa 82 sa final minute.

Inakbayan ng Hotshots sa 2-0 ang Meralco at Rain or Shine sa maagang liderato ng 46th PBA 2021 Philippine Cup elims.

“It’s hard, we had only one day to prepare,” ani coach Chito Victolero. “Sabi ko sa players, ‘di p’wedeng excuse ‘yun nagpalit ng kalaban.”

Dapat ay TNT ang katapat ng Hotshots kagabi pero nakansela ang laro matapos mag-positive ang apat na players ng Tropang Giga.

Tumapos si Sangalang ng 26 points, may 16 markers si Lee. Nagsumite si Calvin Abueva ng 9 points, 10 rebounds at 4 assists bago na-fouled out. Mula sa No. 12 noong opening, nagpalit sa No. 13 si Abueva.

Sa first game, tinambakan ng NorthPort (1-1) ang Phoenix (0-2) 115-79 pambawi sa nakakadismayang 85-63 loss sa Meralco noong Biyernes kahit ‘di pa rin sumalang si Greg Slaughter. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.