Abante Tonite Interactive

Ian ‘patay’ sa motor

By
2,709

Isang malaking ka-cheapan ang nagpakalat ng balita na ang mahusay na aktor at papa ng bayan na si Ian Veneracion, ginetlak na raw ni Lord.

Sino kayang wala sa katinuan sa pag-iisip ang may pakana nito? Mismong si Papa Ian ang nag-post ng screenshot tungkol sa fake death news.

Sabi niya sa kanyang Instagram account kung saan siya mismo ang nagbalandra tungkol sa maling chika, “Kaya pala di ako pinapansin ng asawa ko.”

Motorcycle accident ang cause of death ni Veneracion, ayon sa fake news. Kakaloka hindi ba at ang ganitong balita, hindi nakakatuwa at tunay na nakababahala.

Ang mga kaibigan at kapwa niyang artistang sina Richard Gomez at Nadia Montenegro, patol sa IG post ni Ian.
Kuda ni Goma, “Mabuhay ka!!”

Ang hanash ni Montenegro: “Sino yung kausap ko kahapon??? Ingat Bro! See you soon! You are covered by the blood of Jesus.”

May axe to grind kaya laban kay Veneracion ang ‘di kahusayang creative writer na may ganitong payanig? Hindi kaya dapat, kung sino man ang may-akda sa kababalaghan, dapat sigurong sitahin o kaya, mag-public apology sila.

In this day and age na marami talaga ang unwell ang pag-iisip, dapat na mas maging maingat si Ian, and the rest of the public figures and personas na laging bida sa mga mapanlinlang at salat sa katotohanang mga balita.