Abante Tonite Interactive

Ian Sangalang pumitik ng 9-6-2-2 sa pagbabalik

By
1,113

Nakabalik na si Ian Sangalang, at unti-unti ring nakukuha ng Magnolia ang dating angas.

Malaking tulong pa ang pang-apat na import nilang si Wayne Chism na namuno sa 116-89 win ng Hotshots kontra NLEX Miyerkoles nang gabi sa MOA Arena.

Angat sa 5-5 ang Magnolia, nakasiguro na ng playoff para sa eighth at final slot na aabante sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup. Kabuhol ng Hotshots sa sixth-seventh ang Ginebra at GlobalPort na magbabasagan sa Cuneta Astrodome ngayon.

Huling asignatura ng hukbo ni Chito Victolero ang defending champion San Miguel sa pagtatapos ng elimination round sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

May pa nawala si Sangalang matapos abutin ng right wrist injury. Si Marc Pingris ang wala sa Hotshots. Out na ang defense specialist sa season dahil sa ACL injury.

“Sakto ito na nakukumpleto na kami kahit unti-unti at nakuha namin ‘yung gusto namin na import na si Wayne,” pahayag ng Kapampangan slotman na si Sangalang. “’Yung confidence namin sa team at sa isa’t isa, nabu-build up na namin.”

Sa kanyang unang laro makalipas ang halos dalawang buwan, nagsumite si Sangalang ng 9 points, 6 rebounds, 2 assists at 2 steals sa loob ng halos 19 mi­nutes.

Matikas din ang u­nang laro ng balik-PBA na si Chism, tumapos ng 27 points sa 8 of 18 shooting at 5 for 11 sa 3-point range. May palamuti pa siyang 8 rebounds, 4 assists, 2 steals at 3 blocks laban sa dating coach na si Yeng Guiao at NLEX.(Vladi Eduarte)