Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ian, Sue inabswelto ng lawyer-produ

0 181

NI: ARCHIE LIAO

Maraming kate-katerang netizen ang nakihula at nakisawsaw sa isang blind

item na nailathala sa online. Tungkol ito sa isang guwapong aktor na may maamong mukha na hiwalay na umano sa asawa.

Ang itinuturong dahilan umano sa hiwalayan blues ay isang starlet na nagfli-flirt sa kanya at nagpapakita ng motibo.

Katunayan, very vocal na raw umano ang aktor sa pagsasabing hiwalay na sila ng misis.

Sa thread, tinumbok ng isang Seline Navarro na ang tinutukoy sa nasabing blind item ay sina Ian Veneracion at Sue Ramirez na magkasama sa teleseryeng Oh My Dad sa TV5.

Nanganak pa ito ng samu’t-saring espekulasyon.

Hindi naman nakapagpigil si Atty.Joji Alonso sa malisyosong insinuwasyon kina Ian at Sue kaya nag-react ito.

Agad na inabswelto niya ang dalawa sa maling paratang.

“Seline Rhoia Navarro , I produce Oh My Dad for Brightlight. There is absolutely nothing going on between Ian and Sue. Sorry, wrong guess,” paglilinaw ni Atty. Joji.

Matatandaang ilang netizen din ang nang-urot kay Sue nang paratangan itong

Kabit umano ni Ian.

Agad namang ipinagtanggol siya ng boyfriend na si Javi Benitez nang sabihin nitong hindi

starlet si Sue at hindi siya ganoong klaseng babae.

Tulad nang sinabi ni Atty.Joji, pinabulaanan din niya ang tsismis at nakiusap na tigilan na ang pagju-judge sa kanyang nobya. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.