Abante Tonite Interactive

Ian Veneracion ‘bad influence’ kay Goma?

By
86

SI Ian Veneracion ang isa sa guest artists ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa opening ng one-man exhibit niya, ang Surface, na ginanap sa Pinto Art Museum, Antipolo kamakailan.

Sabi ni Mayor Goma, si Ian ang isa sa nag-influence sa kanya para magpinta.

“Sana hindi bad influence,” nakangiting pahayag ni Ian.

Bukod kay Ian, marami rin mga pintor na kaibigan ng actor/politician kaya nakapagpinta siya at nabuo niya itong one-man exhibit.

“Marami kasi akong friends na artists. Natutuwa sila, and they’re very supportive,” say pa ni Goma.

Very proud naman si Cong. Lucy Torres-Gomez sa bagong achievement na ito ng kanyang asawa. Nakita raw niya kung gaano ka-dedicated ang dyowa sa pagpinta.

Halos tatlong taon daw niya itong ginagawa, kaya nakapag-ipon siya ng ganun karaming paintings.

“We’re very easy couple. I always want na happy lang sa bahay. So, wala kaming rules.

“Kung ano ang gusto niyang gawin, I let him be. If he wants to use the entire living room to work on something or the entire garden, that’s his ano…

“Nakikita ko sa kanya kasi, eversince naman before mahilig talaga siya sa art,” sabi ni Congresswoman Lucy.

Sa dami raw ng ginagawa ni Mayor Goma bilang alkalde ng Ormoc, naisisingit niya ang magpinta dahil tingin daw niya, parang stress-reliever na rin niya.

Inspired sa ilang disaster kagaya ng bagyo, lindol at pati ang giyera sa Marawi ang mga abstract paintings na nagawa ni Mayor Goma.

Meron siyang ginawang 116 inches x 116 inches Mixed Media 2017 na pinamagatang Yolanda. ‘Yun daw ang pinakapaborito na nagawa ni Mayor Goma.

Sana nga ay bilhin ito ni Mayor Cristina Gonzales-Romualdez para ilagay niya sa kanilang munisipyo.