Abante Tonite Interactive

IANA suwabe ang kurbada

460

Malakas ang dating ni Iana Olea, official candidate ng Mutya ng Pilipinas 2019. Kinatawan siya ng Davao Oriental.

Si Iana ay 21 years old, may taas na 5’7” at may sukat na 34-24-34.
Ang advocacy niya ay mental health awareness.

“She’s a fighter, a survivor. Ulilang lubos. A college student. She lives in her own. Binuhay n’ya ang sarili niya sa Davao sa pamamagitan ng pageants,” deklara ng manager niyang si Meg Perez ng Mega Models Talent Management.

Nagsilbing bread and butter niya ito kaya ginagalingan daw niya ang bawat laban niya sa pageant. Pinaghirapan niyang makamit ang suwabe niyang katawan.

Inamin din niya na hinaharap niya ang trauma sa buhay. Pinatay raw sa kanyang harapan ang kapatid niya. ‘Yan ang kanyang motibasyon at pinaghuhugutan para makibaka sa buhay at para maging matagumpay.

(Roldan Castro)