Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF abangers sa tanggal face shield ng WHO

0 53

Hindi pa napag-uusapan sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na tanggalin na ang pagsusuot ng face shield.

Ipinahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng pag-uugnay ng mga kritiko sa isyu ng korapsiyon sa pag-obliga sa publiko na magsuot ng face shield bilang proteksiyon laban sa COVID-19.

Ayon kay Roque, hihintayin nila ang opinyon ng World Health Organization (WHO) kung talagang nakatutulong o hindi ang face shield para makaiwas sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I understand that even the WHO will render an expert opinion on whether or not the use of face shield is justified. So hintayin po natin ang opinion ng WHO,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na walang batayan ang pahayag ng mga kritiko sa isyu ng face shield at sinabing sang-ayon sa opinyon ng mga eskperto ang pagsuot nito. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.