Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF aprub sa ayuda ng mga bata, buntis

0 158

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang paglalabas ng pondo para dietary supplementation program ng mga batang anim hanggang 23 buwan at sa mga babaeng peligroso ang pagbubuntis.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Laging Handang briefing nitong Biyernes ang pag-apruba ng IATF sa resolusyon hinggil nasabing programa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kakatapos lang po ng meeting ng IATF ngayong araw kung saan nagbigay po ng isang bahagyang solusyon doon sa problemang pagkagutom na nanggaling po dito sa pandemya,” ani Roque.

Ipagkakaloob umano ang supplementation program sa pamamagitan ng cash aid o food pack.

Subalit hindi naman nito binanggit kung kailan magsisimulang ipatupad ang programa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.