Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF babaklasin quarantine sa mga walang COVID

0 216

Isinasapinal na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang posibleng pagdedeklara ng new normal sa mga lugar sa bansa na matagal ng walang kaso ng hawaan sa COVID-19.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng hirit na alisin na ang quarantine sa mga lugar na COVID-free o wala ng naitalang kontaminasyon sa matagal ng panahon.

Iminungkahi na aniya nito sa IATF ang pagdedeklara ng new normal at tinitingnan na ito ng mga eksperto.

“It has been approved in principle, pero ang binubuo lang po ngayon iyong do’s and don’ts sa new normal para magkaroon pa rin ng pag-iingat ang mga tao,” ani Roque.

Iniiwasan aniya ng gobyerno na dahil new normal na sa ilang lugar ay biglang magkaroon ng mga aktibidad na magkukumpulan ang maraming tao.

Pero sinabi ni Roque na hindi pa rin ganap na aalisin ang community quarantine dahil marami pa rin ang may mataas na kaso ng COVID-19 contamination. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.