Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF binago sistema sa COVID report

0 369

Nagpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na baguhin ang istratehiya sa paglalahad ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang bibigyang diin nila ay ang mga aktibong kaso ng COVID sa halip na ang kabuuan ng naimpeksiyon nito.

Balewala aniya ang mga hindi aktibong kaso kaya tututok sila sa bagong sistema habang wala pang natutuklasang gamot o bakuna laban sa COVID.

“Magkakaroon po tayo ng major change also in communication, sa pamamagitan nang pagbasa ng active cases, kabahagi po `yan nung ating bagong istratehiya sa ating communication,” ani Roque.

Ibinida ng kalihim na mataas ang bilang ng mga gumaling sa COVID at bumababa naman ang mga namamatay batay sa datos ng Department of Health (DOH).(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.