Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF binago sukatan sa quarantine status

0 214

Binago na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang basehan ng pagtatakda ng community quarantine classification.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magiging basehan dito ang two-week growth rate, mula sa dating doubling rate.

SM food to go Banner Ad

Batay naman sa paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawang bagong metric ang ginagamit ng IATF sa pagtataya ng pandemya sa bansa at ito’y ang two-week growth rate at daily attack rate na parehong minomonitor ang bilis ng pagkalat ng COVID infection sa isang lugar.

Subalit sinabi ng opisyal na gagamitin pa rin ang dating paraan o ang case doubling time para sa pangkalahatang pagtaya o analysis para sa buong bansa.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.