Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF, DOH inawat sa rapid antigen test vs COVID

0 156

Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Nancy Binay sa plano ng gobyerno na gamitin ang rapid antigen test sa layuning mapalakas ang pagtukoy sa mga taong may COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Binay, ang paggamit ng antigen test ay isang “hit-and-miss testing strategy” at mas mainam aniya kung gamitin na lang sa pagbili ng mas maaasahan na testing method ang perang gagastusin dito.

“Antigen testing is a hit-and-miss testing strategy. With dwindling resources, the government must use its money wisely and sparingly,” tweet ni Binay.

Nagbabala din ang senador na sa paggamit ng rapid antigen test, mas makakasama ito kaysa makatulong dahil hindi ito maaasahan sa pag-detect sa mga asymptomatic COVID-19 case.

“Antigen only detects infectiousness, ‘di ang infection. It can only scan high viral loads pero ‘di siya reliable sa mga asymptomatic. Sa madaling sabi, it can do more harm than good,” punto ni Binay.

Dagdag pa nito, ang paggamit ng polymerase chain reaction test (RT-PCR), na tinaguriang gold standard sa COVID-19 test, ay nananatiling pinakamainam na opsiyon.

Nauna nang inihayag ng gobyerno na plano nilang bumili ng 500,000 antigen test kit na gagamitin sa pagsuri sa mga tao sa NCR Plus bubble.

Ang presyo ng antigen kit ay nasa P750 hanggang P1,500 kada unit depende sa brand. Kung 500,000 kit ang bibilhin, gagastos ang gobyerno sa pagitan ng P375 milyon hanggang P750 milyon sa National Capital Region pa lang.

“I think the IATF and the DOH should seriously consider its testing policies. For one, antigen may not be the better option as far as mass testing or individual testing is concerned dahil maraming instances na false negative ang resulta,” sabi ni Binay.

“The close to a billion peso price tag for a consumable quick fix testing ay sayang lang, na sana ay ipatayo na lang ng mga RT-PCR centers and facilities,” punto pa ng senador.

Subalit sinabi Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na base sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), ang antigen test ay maaaring gamitin bilang confirmatory test sa mga lugar kung saan may outbreak o mataas ang mga kaso ng COVID-19.

“We understand the convenience and the shorter waiting time, but I don’t think it’s a wise and practical move to spend close to a billion pesos on antigen kits, dahil may dagdag na gastos pa rin ang gobyerno. ‘Di nahahagip ng antigen ‘yong mga asymptomatic. So, kung taga-probinsya ka, at nagpa-antigen ka na, kailangan mo pa ring magpa-PCR para uli sa confirmatory test,” sabi ni Vergeire.

“Baka puwedeng mas dagdagan ng gobyerno ‘yong suporta for more Red Cross saliva testing in key areas para mas mapabilis din ang resulta,” sabi pa nito.

Sa kasalukuyan, ang mga nasuri na positibo sa pamamagitan ng RT-PCR test ay kinukonsidera bilang kumpirmadong kaso ng COVID-19. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.