Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF hihimayin datos bago luwagan quarantine

0 244

Siniguro ng Malacañang na pag-aaralang mabuti ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang datos para sa susunod na quarantine status.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, babatay ang IATF sa siyensiya para malaman kung handa na ba ang Metro Manila sa maluwag na quarantine.

Sa kalagitnaan ng Abril nilagay ang Metro Manila, kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

SM food to go Banner Ad

“The members of the IATF, in their next meeting, would look into the analytics of the healthcare system of the National Capital Region Plus and the country,” ayon kay Roque.

Partikular umanong hihimayin ng mga miyembro ng IATF ang attack rate ng COVID at ang hospital care utilization rate subalit ibabalanse rin ito sa ekonomiya ng bansa. (Prince Golez/Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.