Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF hinirit nursing board exam sa Hunyo

0 421

Hinihiling ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na gawin sa Hunyo ang board exam para sa mga nurse para madagdagan ang mga medical frontliner sa pandemyang hatid ng COVID-19.

Inihayag ito ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing nitong Miyerkoles kung saan sinabi ng opisyal na kausap na nila ang Philippine Nurses Association at ang Professional Regulation Commission (PRC) hinggil sa hiling ng IATF na agahan ang nursing board exam.

“Nire-request natin at nire-request ng IATF na baka puwede nang gawin ng June, so that by July may mga fresh graduates and freshly licensed graduates na tayo na puwede na rin nating makasama sa ginagawa nating response,” sabi ni Vergeire.

Leave A Reply

Your email address will not be published.