Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF inupakan sa diskarteng laban-bawi

0 187

Pinalagan ni Senador Nancy Binay ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na tanggalin ang mandatory facility-based quarantine requirement para sa mga international traveler at balikbayang Pilipino na kumpleto na ang bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Binay, hindi dapat karaka-karakang inalis ng IATF ang quarantine requirement para sa mga fully-vaccinated na biyahero hangga’t walang maayos na komprehensibo at localized surveillance system.

“`Di pa ba tayo natuto sa nangyari doon kay `Poblacion Girl’? Sa loob na nga ng facility eh nalulusutan pa–what more `yong talagang hinayaan na nating gumala ang mga biyahero galing abroad,” sabi ni Binay.

“Minsan mapapaisip ka sa mga desisyon ng IATF kung trial and error. So, are we supposed to draw comfort from this? Is the lifting of restrictions supposed to slow down the high transmissibility rate of new variants or, in any way, be less threatening to COVID infections?” tanong pa ni Binay. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.