Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF istriktong wala sa hulog

0 102

Kinalampag uli ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil sa mga ipinatutupad nitong paghihigpit para mapigilan ang hawaan sa COVID-19.

Tingin ng senador, “wishful thinking” lamang ang target umano na tanggalin na ang face mask pagsapit ng Kapaskuhan.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung masusunod lahat ng mga estratehiya sa pagbabakuna para sa target na herd immunity ay hindi malayong magkaroon ng masayang Pasko ang mga Pinoy na hindi na kailangang magsuot ng face mask.

“Wishful thinking siguro `yon, face shield pa lang sinasabi na `wag na, ayaw nila, face mask pa?” ani Sotto sa panayam sa radyo nitong Sabado.

“Ako kasi ang pananaw natin kapag sinabi ng Pangulo at may basis siya dapat susunod na ang kanyang opisyal, sa ibang bansa walang nagma-mandate ng face shield,” sabi ng senador.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tanong ni Sotto, “Bakit naghihigpit-higpitan sila wala sa lugar.”

Punto pa nito na kapag nasa labas at naglalakad ay napakainit kaya nakakadagdag pahirap ang face shield dahil hindi makahinga ng maayos.

Ayon kay Sotto, binibigyan pa niya ng pagkakataon na magpulong ang IATF para ayusin ang kanilang mga polisiya katulad sa pag-quarantine ng mga overseas Filipino worker na kadalasang umuuwi kapag namatayan o mayroong may sakit sa pamilya.

“Sumusuporta ako sa kanila na maging maingat, maging mahigpit pero ilagay sa lugar ang mga bagay na `di dapat higpitan,” ayon kay Sotto.

Dagdag pa nito na dapat magpulong ang IATF at iba pang ahensiya ng gobyerno at huwag nang hintayin pagdating ng budget hearing sa Senado. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.