Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF kinontra ng Navotas

0 50

Hati ang opinyon ng mga local chief executive sa Metro Manila sa nais ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na paikliin sa 4-oras ang curfew at pagpayag na makalabas ang mga may edad 15-65 sa kani-kanilang bahay.

May mga pumabor, pero meron din naman mga ayaw at isa na rito si Navotas Mayor Toby Tiangco na nanindigang matatag pa ring paiiralin ang 24-hours curfew sa lungsod, lalo na sa mga minors.

Sabi ng alkalde, ipagpapatuloy nila ang implementasyon City Ordinance No. 2020-33, saan hindi pinapayagan sa Navotas City ang may edad 18 pababa na lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan sa maghapon at magdamag.

Sa ganito aniyang paraan maiiwasan ang hawaan o pagkalat ng nakamamatay na COVID-19 kung walang pagala-gala sa lansangan.

“Allowing those between 15 to 18 years old to go out is absurd. It defeats the purpose of distance learning and will further distract them from their studies. We cannot afford to be wishy-washy with our rules. Lives are at stake,” paliwanag ni Mayor Tiangco. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.