Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF konting luwag sa mga OFW, balikbayan – Ping

0 328

Nanawagan si Senador Panfilo `Ping’Lacson sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ng kahit na kaunting pagluluwag sa pagpapatupad ng health protocol sa mga dumarating na balikbayan at overseas Filipino worker (OFW).

“Find the middle ground. We cannot be too stiff, too stringent. May occasion dapat na flexible tayo,” pahayag ni Lacson sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Inihalimbawa ni Lacson ang dinanas ng isang empleyado na umuwi galing sa ibang bansa ngayong taon at inatasang sumailalim sa quarantine sa isang hotel sa loob ng anim na gabi – at kailangang magbayad ng P10,000 kada gabi ng pananatili.

“You can just imagine what an ordinary employee returning to the Philippines has to go through. More than the inconvenience, he or she has to spend for hotel accommodations, swab tests, and related items,” sabi pa ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.