Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF laban-bawi sa NCR GCQ

0 68

Naunsiyami ang inaasam na bahagyang pagluluwag matapos­ ipagpaliban ng Malacañang ang implementas­yon ng general community quarantine (GCQ) status with Alert Level System sa Metro Manila.

Sa inilabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential­ Spokesman Harry Roque na sa halip GCQ simula Setyembre 8, 2021 ay mananatili ang modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Set­yembre 15, 2021, o hanggang sa ipatupad ang pilot GCQ with Alert Level System o kung alin ang mauna.

“The Inter-Agency Task Force (IATF) deferred the pilot implementation of the General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System in the National Capital Region,” ani Roque.

Dahil dito, sinabi ni Roque na mananatiling­ sarado ang al-fresco dine-in services at personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors at nail spas.

SM food to go Banner Ad

Hindi pa rin pupuwedeng pumasok sa mga simbahan at iba pang religious activities, bagkus ay sa online muna gawin ang misa at iba pang aktibidad.

“Religious services, on the other hand, performed through online­ video recording and transmission shall be allowed,” dagdag ni Roque.

Maaari namang iburol ang mga namatay na walang kinalaman sa COVID-19 subalit kinakaila­ngang sundin ang minimum public health standards at patunay ng kanilang relasyon sa namatay. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.