Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF lumambot sa tanggal face shield

0 285

Tinatalakay na sa pulong ng mga eksperto at Inter-Agency Task Force kung tatanggalin o ipagpapatuloy pa rin ang paggamit ng face shield kahit malaki na ang ibinaba ng COVID cases sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kasama sa agenda ng mga pagpupulong ang usapin sa paggamit ng face shield kung dapat na bang tanggalin ang pagsusuot nito o dapat pa ring gamitin ng mamamayan.

“I can confirm na habang bumababa ang mga numero eh pinag-uusapan na rin po kung ipagpapatuloy pa ang pagsusuot ng face shields,” ani Roque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Marami na aniya ang humihirit na alisin na ang pagsusuot ng face shield subalit wala pang desisyon dito ang IATF.

Habang wala pang opisyal na desisyon ang gobyerno, hinikayat ni Roque ang publiko na magsuot pa rin ng face shields lalo na sa mga lugar na nasa kategorya ng 3Cs para hindi mameligro sa COVID contamination.

Sinabi naman ni Dr. Edsel Salvaña, Director ng UP Institute of Molecular Biology and Biotechnology na dahil pababa na ang kontaminasyon, maaari na aniyang alisin ito sa indoor subalit siguraduhin lamang na bakunado na ang mga tao. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.