Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF may guideline sa mga pauwing Pinoy

0 151

Maglalabas ng regulasyon ang Inter-Agency Task Force para sa mga uuwing Pilipino na nabakunahan na sa ibang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tatalakayin sa susunod na pulong ng IATF kung kailangan pang isailalim sa testing at isolation ang mga Pinoy na nabigyan na ng COVID vaccine.

Aasahan aniyang maglalabas sila ng guidelines patungkol sa ganitong kategorya.

“Pag-aaralan pa po yan ng IATF. So pag-aaralan at pag-uusapan at magkakaroon po tayo ng guidelines,” ani Roque.

Bagamat wala pang bakunang magagamit ang Pilipinas, may mga Pinoy mula sa Amerika at Europe ang nabakunahan na ng pangontra sa COVID-19 . (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.