Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF niluwagan pagpasok ng mga turista

0 230

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na makapasok sa bansa ang mga turista galing sa ilang bansa na may bagong COVID-19 variant.

Nabatid na binago ng IATF ang quarantine protocol para sa mga turista kung saan obligado ang mga ito na sumailalim sa dalawang ulit na COVID-19 test.

Base sa bagong regulasyon, bukod sa COVID-19 test na isasagawa sa kanila pagdating pa lang sa bansa, kailangan sumailalim uli sa pagsusuri ang isang turista makalipas ang limang araw.

Kapag negatibo sa COVID-19 test sa pangalawang pagkakataon ay iendorso na sa local government unit (LGU) ang naturang dayuhan kung saan niya nais na magtungo rito sa Pilipinas.

Kailangan namang i-monitor ng LGU.

Samantala, exempted naman sa travel ban sa mga bansang may bagong COVID-19 variant ang mga accredited foreign diplomat at mga dayuhang empleyado ng mga accredited international organization katulad ng World Health Organization (WHO) at United Nations (UN).

Subalit kailangan pa rin nilang sumailalim sa RT-PCR test pagdating sa bansa at sumunod sa 14 araw na quarantine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.