Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF pinalagan sa yosi ban vs COVID

0 200

Inayawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang plano ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ipagbawal ang paninigarilyo upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Sa panahon ng COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team Visit sa Gen. Trias, Cavite noong Huwebes, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang orihinal na plano ng IATF na pagbabawal manigarilyo ay kinontra ng DOLE dahil sa mga seryosong balik sa mga negosyo at trabaho.

“We can’t ban smoking because it will adversely affect the tobacco industry,” pahayag ni Bello na isang pangunahing miyembro ng task force.

Sinabi ni Bello na ang negosyong tabako ay nakakapag-akyat sa gobyerno ng P145 bilyon na excise tax taun-taon habang gumagamit ng 2.5 milyong manggagawa sa Pilipinas. Malaki ang naidudulot nito sa pangkalahatang pondo sa kalusugan ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“If we ban smoking, those figures will be severely affected,” dagdag pa nito.

Bilang kalihim ng paggawa, sinabi ni Bello “my job is to protect and preserve employment. To achieve that, I help shops to stay in business.”

Bilang resulta ng posisyon ng DOLE sa usapin, pinahihintulutan pa rin ang paninigarilyo, ngunit ang paggawa nito ay dapat gawin nang paisa-isa sa mga itinalagang lugar sa paninigarilyo.

“We can smoke in smoking areas. But the condition is one smoker at a time,” paliwanag ni Bello. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.