Abante Tonite
Mabilis sa Balita

IATF sisipatin uli bawas distancing

0 45

Pag-uusapan muli ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang isyu sa pagbabawas ng physical distancing sa mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos umani ng sari-saring reaksiyon ang desisyon ng IATF na bawasan ang distancing sa mga pasahero.

Sinabi ni Roque na pakikinggan nila ang opinyon ng mga medical frontliner tungkol sa mga agam-agam sa pagbabawas ng distansiya sa loob ng mga pampasaherong sasakyan.

“Siyempre hindi po tayo magbibingi-bingihan sa opinyon ng ating medical frontliners so bubuksan muli ang usapin tungkol dito sa susunod na pulong ng IATF,” ani Roque.

Ikinatwiran ng kalihim na isa sa naging batayan ng IATF para bawasan ang distansiya sa pagitan ng mga pasahero ay ang kagustuhang mabuksan ang ekonomiya at madagdagan ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan.

“`Yong pagbabawas ng espasyo between passengers eh inaprubahan `yan ng IATF dahil hindi natin mabubuksan ang ekonomiya kung hindi dadagdagan `yong ating transportasyon,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.