Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iba ang sitwasyon noong 2010 kaysa sa susunod na eleksyon

0 652

Nailibing na si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong Sabado, June 26, sa tabi ng puntod ng kanyang magulang na sina dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., at dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Nagsimula na ring uminit ang usapin kung makikinabang ang oposisyon sa pagkamatay ni Noynoy para magkaroon ng magandang laban sa 2022 presidential elections. May mga nagsasabi na baka maulit ang nangyari noong 2010 elections nang mahalal si Noynoy matapos mamatay ang kanyang inang si Cory noong 2019.

Opinyon ko po, makikinabang ang oposisyon sa 2022 elections dahil sa pagkamatay ni Noynoy. Pero sapat na bai to para manalo ang kandidato ng oposisyon.

Iba ang sitwasyon noong 2010 kumpara sa darating na halalan. Noong 2010, isinusuka na ang noon ay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaya naghahanap ang mga tao ng kandidatong malinis at walang bahid ng corruption. Ang bet ni Gloria na si dating Defense Secretary Gibo Teodoro, nangamote sa halalan.

Tatlo lang talaga ang nagbakbakan nang husto noong 2010. Sina Noynoy, dating Pangulong Erap Estrada at dating Senate President Manny Villar. Nayari ng C5 controversy ang bilyonaryong si Villar kaya nahulog sa ikatlong puwesto at tinalo pa ni Erap na pumangalawa.

Sa 2022 presidential elections, napakataas ng popularity rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Malaking factor ang basbas ni Pangulo sa kanyang magiging kandidato. Hawak din niya ang makinarya ng gobyerno na makatutulong para maipanalo ang kanyang bet.

Pero tulad ng larong basketball, bilog ang bola at puwedeng masilat ang kandidato ng administrasyon.

Si Vice President Leni Robredo lamang ang makikinabang sa pagkamatay ni Noynoy. Mapipilitan itong isantabi ang kanyang opsyon na tumakbong governor ng Camarines Sur. Sina Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno, walang mapapala sa pagkamatay ng dating pangulo.

Sapat na kaya ang puhunan na ito para manalo si Robredo sa 2022 presidential elections? Mahirap itong sagutin lalo na ngayong talamak ang fake news na ikasisira ng imahen ng isang kandidato. Kung magkakaroon din ng troll farm ang oposisyon, baka magkaroon ng magandang laban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.