Abante Tonite Interactive

Iba na ang mga gadget

234

Kakaiba na talaga ang nararating ng teknolohiya at ng mga makabagong kagamitan o gadgets nga­yon.

‘Di lang sa pagsasagawa ng electronic sports o eSports kundi pati na rin sa iba’t ibang mga aplikasyon at program.

Ito ang mga nakita ko sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Iba’t ibang makukulay na ilaw na pinapagana ng mga piyesa sa electronics ang nagbibigay buhay sa bawat kompetisyon bukod pa sa mga naglalakihang mga monitor kung saan mapapanood ang mga labanan ng Thailand, Malaysia, Indonesia at host Pilipinas.

Katangi-tangi ang pagdidisenyo ng namamahalang Team Razer sa buong kapaligiran ng lugar na mas kilalang The Arena.

Tila nasa loob ng lugar ng mga pinaglalabanang laro ng bawat kalahok habang mga nakikipagkompitensiya. Kahit na mismong ang kanilang inuupang mga silya may tunog ng labanan.

Tunay na nakakabilib ang rebelasyon sa teknolohiya na natututunan mismo ng mga manlalaro sa eSports.

Kung sa akala ng marami ay paglalaro lang ang nakukuha sa eSports, kabaliktaran ito sa aking pananaw dahil higit pa sa mga nakikita ng ating mga mata ang nadadagdag na kaalaman sa mga manlalaro.

Marahil, darating ang panahon na mismong sasandigan na ng mga tao ang makabagong teknolohiya para mas mabilis nitong magampanan ang mga gawaing pisikal.

Welcome to the modern world!!!