Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iba pa rin `pag face-to-face class – Gatchalian

0 46

Sang-ayon si Senador Sherwin Gatchalian sa face-to-face class subalit sa mga lugar muna kung saan hindi delikado na magkaroon ng hawaan ng COVID-19 o low-risk area.

Ayon kay Gatchalian, maliban sa agarang learning recovery sa gitna ng mga pinsalang dulot ng pandemya sa edukasyon, mahalaga na magpatuloy ang mga safety net para sa mga mag-aaral.

Aniya, makatutulong sa mental health ng mga estudyante ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kaklase kapag nagbalik-eskuwela bukod pa sa mabibigyan sila ng sapat na gabay ng mga guro.

SM food to go Banner Ad

“Maliban sa pagbibigay ng edukasyon, ang mga paaralan ay may mga programa rin para sa kalusugan, proteksyon, at kapakanan ng mga mag-aaral na maaari lamang maibigay sa kanila kapag nagkaroon na ng face-to-face classes. Higit na mahalaga ang pagtugon sa mga programang ito ngayong panahon ng pandemya,” ani Gatchalian.

Subalit kailangang magsimula aniya ang balik-eskuwela sa mga low-risk area.

Giit pa ni Gatchalian, base sa mapa ng COVID-19 tracker ng University of the Philippines ay mahigit 433 na bayan sa bansa ang walang aktibong kaso ng COVID-19 simula noong Pebrero 9.

Leave A Reply

Your email address will not be published.