Abante Tonite Interactive

Iba pang nanalo sa Metro Manila

0 346

Mandaluyong
Pangalawang termino na ngayon ni incumbent Mandaluyong City Mayor Carmelita Abalos matapos malaglag sa halalan ang isang Florencio Solomon na kumakalan sa kanya.

Wagi rin si Vice Mayor Anthony Suva sa kalaban nitong si Boy de Quinton.
Si Abalos ay unang tumakbo noong 2016 election bilang kapalit ng kanyang asawa na si dating M­andaluyong Mayor Benjamin Abalos Jr.

Marikina
Sa Marikina ay walang kalaban si Mayor Marcelin­o ‘Marcy’ Teodoro kaya ito pa rin ang alkalde ng “Shoe Capital of the Philippines”.

Si dating Marikina Mayor Bayani Fernando naman ang nanalo bilang kongresista sa unang distrito ng lungsod habang si Teacher Stella Quimbo ang wagi sa ikalawang congressional district.

Pasok din si Doc Marion Andres bilang vice ma-yor laban sa dalawang katunggali na sina Eva A­guirre at Vic Tambuli Sabiniano.

Las Piñas
Prinoklama na rin si re-elecitonist Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar gayundin ang kanyang anak na si April na nanalo namang vice mayor ng lungsod ganundin ang anak ni Senador Cynthia Villar na si Camille na nagwagi bilang sa congressional election.

Muntinlupa
Alas-10:00 nang umaga kahapon nang iproklama sina re-electionist Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, Vice Mayor Temy Simundact at Congressman Ruffy Biazon.

Taguig
Alas-2:30 nang hapon prinoklama si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan P­eter C­ayetano bilang congressman sa unang distrito ng lungsod.

Wagi rin si dating Taguig Mayor Lani Cayetano bilang kongresista sa ikalawang distrito ng lungsod.

Ang kapatid ng dating kalihim ng DFA na si Lino Cayetano naman ang bagong alkalde ng Taguig. (Vick Aquino/Armida Rico)