Abante Tonite Interactive

Iba pang suspek sa P6.4B shabu smuggling hinahanting

By ,
1,884
Pinaghahanap ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pito pang katao na pinahuhuli ng Manila Regional Trial Court (RTC) dahil sa pagkakasangkot sa P6.4 bilyong shabu smuggling sa Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay NBI Deputy Director for Investigation Services Atty. Vicente de Guzman, may inatasan na silang grupo para hanapin at arestuhin sina Kenneth Dong, customs broker na si Teejay Marcellana, Eirene Mae Tatad, may-ari ng EMT trading; Manny Li, Chen Min, Jhu Ming Juun, at Chen Rong Juan.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Reinelda Estacio-Montesa ng Manila-RTC matapos kakitaan ng probable cause o batayan ang isinampang kaso ng DOJ laban sa mga ito.
Samantala, dalawa umano sa mga akusado sa nasabing kaso ang nagpadala ng surrender feelers sa NBI subalit hindi muna sila tinukoy.
Samantala, mananatili muna ang umano’y Customs broker/fixer na si Mark Ruben Taguba II sa NBI matapos na ibalik sa korte ang inisyung warrant of arrest laban dito.