Abante Tonite Interactive

IBA TALAGA ANG WORLD CUP, OLYMPICS – GUIAO

511

Noong 2014 FIBA World Cup sa Spain, naka-isang panalo ang Gilas Pilipinas sa limang laro lumagay sa ika-21 puwesto sa 24 na kalahok.

Pagdating ng 2019 sa China, bokya na ang mga Pilipino sa limang laro rin hanggang second round.

Tatlong sadsad sa group phase. Pinakamasagwa sa 32 teams ang -147 point differential ng Pilipinas kaya nangulelat.

Pero kailangang bigyang konsiderasyon na 32 team na ang nasa China World Cup, mas masikip ang daan.

Sa Spain, pinadapa ng Pilipinas ang Senegal, 81-79 overtime.

Sa China, tumapos na 30th ang Senegalese.

Ngayong 2019, sadsad din ang mga Pinoy sa African powerhouse Angola 84-81 sa OT.

Sa limang laro, nag-average ang Pilipinas ng 70.4 points, 32.6 rebounds, 13.2 assists.

Iba ang Spain, iba ang China.

Ang squad na ipinadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Spain, mas matagal-tagal nagsama. Ang mga naiwan na lang sa previous World Cup na dumayo sa China ay sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar at Paul Lee.

Iba rin ang level ng kompetisyon sa international stage.

Sa Asia ay kayang sumabay ng Pilipinas, pero ibang usapan sa mas malaking stage.

“We’ve been playing Asian level basketball, but of course, the world level is different. Several notches different,” pag-amin ni coach Yeng Guiao.

“The expectations are different. When you get to the World cup – or maybe the Olympics – the competition is just different. Totally different than the Asian level.” (Vladi Eduarte)

Caption:

2019 Gilas Pilipinas Team

2014 Gilas Pilipnas Team