Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ibahagi sa mga nangangailangan ang tagumpay

0 122

Magpa-Pasko naman kaya nais nating bigyang pansin ang isang foundation na marami na palang nabahaginan ng tulong lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Bukod kasi sa ayuda na galing sa gobyerno, nakakatuwang malaman na aktibo rin ang pribadong sektor para tulungan ang mga mahihirap nating kababayan na hindi pa nakaka-buwelo sa epekto ng pandemya.

Kabilang dito ang Pitmaster Foundation na tahimik lang at hindi ipinag-iingay ang patuloy nilang pagtulong sa mga tao.

Ang Pitmaster Foundation ay isang sangay ng Lucky 8 Corporation na isa sa mga kompanya na nabigyan ng PAGCOR ng lisensya para sa isang online gaming.

Sabi ni Pitmaster Foundation Director Atty. Caroline Cruz, lingid sa kaalaman ng karamihan ay araw-araw silang may pinapa-dialysis ng libre sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Aba eh malaking kaluwagan ito sa pamilya ng mga natulungan at tinutulungan pa nilang pasyente. Kasi naman ay wala silang binabayaran sa mga ospital at dialysis center eh. Kailangan lang nilang tiyagain ang pagpapagamot para tuluyan silang gumaling. Alam naman natin na mahal ang ilang session ng pagpapa-dialysis kaya masasabi talagang hulog ito ng langit.

At hindi lang dito nagtatapos ang pagtulong ng nasabing foundation dahil kahit pala may mga kapansanan ay naaabot ng kanilang tulong.

Simula noong January, mahigit 1,000 na mga kababayan natin na may kapansanan ang napasaya ng Pitsmaster dahil sa naibigay nilang wheelchair sa mga ito. Aba eh, daig pa nila ang mga pulitikong hanggang kuda lang pero kulang naman sa gawa sa paghahatid ng serbisyo sa tao.

Noong kasagsagan ng lockdown, tahimik lang din silang namahagi ng libo-libong food packs sa mga apektadong kababayan natin.

Katuwiran ni Cruz sa lahat ng ito, ibinabalik lang nila sa mga tao ang anumang tagumpay ng kanilang foundation. Sabi pa niya, bukal sa puso ang kanilang pagtulong at pagmamalakasakit sa tao lalo sa panahon ng pangangailangan.

Sana po ay mas marami pa kayong matulungan. Hindi man malaman ng buong bayan, ramdam naman ng mga taong inyong napaglingkuran.

Kung ganito lang ang maraming foundation ay hindi na mamumuti ang mata ng mga kababayan nating naghihintay ng tulong sa pribado man o gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.