Abante Tonite Interactive

Ibalato na lang ni Digong para sa ating mga atleta!

251

Sa basa ko sa mga sitwasyon at mga naririnig sa paligid, mukhang mananatili sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang pamamahala sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Nakapaloob doon ang NCC Athletics Stadium, NCC Aquatics Center at ang NCC Athletes Village.

May mga balita pa nga akong nauulinigan na gagwin lang daw pasugalan ang sports facilities – Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Sana mali ang nasagap kong kuwentong ito.

Isipin na lang na ginastusan ng P10B pera ni Juan dela Cruz ang lugar tapos magiging pasugalan lang. Na ang siguradong makikinabang dito ay mga Chinese na pinerwisyo na nga ang mundo ng sports, nagbabanta pang palaganapin pa ng sugal sa ating bansa.

At ipinatayo nga ang pasilidad sa pagpapaluwal ng PSC at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng pondo para sa pang-apat na pagtataguyod ng ating bansa sa 30th Southeast Asian Games PH 29 nitong Disyembre.

Tama po, hindi ba?

Puwes, hindi dapat maging offshore gaming venue lang ang NCCSC. Pang sports lang talaga!

Sabi nga nila ang para kay Juan, kay Juan, at ang para kay Pedro, kay Pedro. Ang NCCSC para sa sports kaya dapat ang Philippine Sports Commission din ang mamahala riyan. Hindi ang BCDA.

Kaya kayong mga national athlete, bumubuo sa Philippine Olympic Committee Athletes Commission sampu ng inyong mga kinabibilangang mga national sports associatio, kumilos na kayo habang wala yatang nakakapasok na POGO sa Capas.

Isa marahil sa epektibong magagawa ninyo para manatili sa inyo ang sports facilities, gumawa kayo ng manifesto at pirmahan ninyong lahat na humihiling kay Pangulong Rordrigo Duterte na manatili sa sports ang NCCSC , huwag gawing POGO. Para na rin sa kabutihan ninyo.

At mag-level-up naman ang sports sa atin. Hindi naman puro sugal lang. Ang BCDA ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo.

Anong sey ninyo BCDA officials Gregorio Garcia III (chairman) at Vivencio Dizon (vice-chairman, president at CEO)