Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ibalik ang parusang bitay para sa drug traffickers

0 582

Magkakasama tayong nakinig sa ika-limang State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Duterte at naging mahaba ang listahan ng mga paksang natalakay, mga bagay na hindi natin maaaring isantabi dahil ang bawat isa ay may epekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino.

Hindi sapat ang espasyo ng pitak na ito kung tatalakayin natin ang lahat ng mga naturang isyu kaya naman nais ko lamang ibahagi ang ating pananaw hinggil sa isang paksa, ang naging panawagan ng Pangulo sa ating mga kasamahan sa lehislatura upang agarang maipasa ang batas na magbabalik sa pagpapataw ng parusang bitay sa mga akusadong mapatutunayang nagkasala sa batas, partikular na doon sa mga tinutukoy sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kaisa tayo ng Pangulo pagdating sa pagtrato sa isyu ng iligal na droga sa bansa. Sa katunayan, ang nag i-isang plataporma natin sa ating pagtakbo sa Senado noong nakaraang taon ay ang pagbabalik ng parusang bitay para sa drug traffickers. Ang pagboto sa atin ng 19 milyong Pilipino ay isang patunay na gusto ito ng taumbayan, kaya naman sinigurado nating ang unang panukalang batas na ating ipapasa ay pag tugon sa aking pangako sa mga Pilipino. Tinupad natin ito sa pagpapasa ng Senate Bill 226 na ngayon ay nakabinbin sa Committee on Justice and Human Rights kasama ng 9 pang ibang panukalang batas mula sa ating mga kasamahan sa senado patungkol din sa death penalty.

Ngunit uusad lamang ang mga panukalang batas na ito at matutupad ang pangako sa mga Pilipino kung uumpisahan ng talakayin at dinggin sa Senado. Kaya naman, nitong nakaraang Miyerkules, July 29, tayo ay tumayo sa plenaryo upang mag deliver ng privilege speech at kalampagin ang ating mga kasamahan na umpisahan na ang nasabing talakayan.

May mga kumi-kwestyon sa timing, na bakit daw kailangan itong pag usapan ngayon sa panahon ng pandemya. Uulitin ko lang ang aking naging sagot – hindi tayo sang ayon na huminto ang mundo at tumigil ang mga mambabatas sa mandatong gumawa ng mga batas na tutugon sa iba’t ibang problemang kinakaharap natin.

Sa totoo lang, kung makikita niyo sa balita, hindi naman tumigil ang drug offenders sa kanilang transaksyon ngayon pandemya at milyun-milyon parin ang nahuhuli na nag bebenta ng mga ipinagbabawal na gamot. Para sa akin, ang drug problem ay talaga namang matuturing din na global pandemic. Katulad nga ng ating sinabi, pwedeng mag multi-task ang Senado habang tumutugon sa Covid19 na siyang number 1 priority ng buong bansa.

Para naman sa isyu na anti-poor daw ang ating panukalang batas, gusto kong linawin na hindi dapat matakot ang ating mga kababayan dahil ang gusto natin ay death penalty para sa drug traffickers, ito ay mga drug lord na hindi mahihirap. Napakalaking negosyo ng iligal na droga at ang mga namumuno dito ay paniguradong big time, hindi ang mga small time peddlers. At kung mahihinto natin ang problema dahil mawawala ang drug lords, siguradong susunod ang pagbaba ng mga krimen dahil kadalasan, ang mga gumagawa ng krimen ay itong mga under the influence of drugs.

Narito ang isang bahagi ng naging pahayag ng Pangulo sa kanyang SONA kaugnay ng naturang isyu:

“I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous [Drugs] Act of 2002. This law will not only help us deter criminality but also save our children from the dangers posed by illegal and dangerous drugs.”

Seryoso ang gobyerno na tuldukan ang problemang ito at isa tayo sa mga nagsusulong ng mga hakbangin upang agad natin itong maisagawa. Naniniwala tayo na sa pagsasabatas ng panukalang ito, magdadalawang isip ang mga taong involved sa iligal na droga na ituloy ang kanilang mga aktibidad.

Gayun din, ang matayog nating pag-asa sa ating mga kapwa mambabatas na papaboran ang panawagang ito ng Pangulo at taumbayan upang mas maging produktibo at tuluyan nang mamuhay ng tahimik at payapa ang bawat pamilyang Pilipino. Sa katunayan, marami na ang ating mga kababayan na kumakalampag din sa ating social media accounts upang kamustahin ang estado ng mga panukalang batas ukol sa death penalty na nakahain ngayon sa Senado.

Bilang Chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ng inyong Senado, ito ang aking mandato. Isang laban na inumpisahan natin bilang alagad ng batas tatlong dekada na ang nakaraan. Muli, tayo’y handang maging anti bad life para maging pro good life. Panahon na para ibalik ang death penalty para sa drug traffickers!

Leave A Reply

Your email address will not be published.