Abante Tonite Interactive

Ibalik sa BSP

169

Boyet Jadulco

Isa marahil ako sa sumusuporta sa hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibalik sa kanila ang printing ng mga e-passport. Ang BSP ang dating nag-iimprenta ng mga pasaporte hanggang sa ilipat ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pribadong kompanya noong 2015.

Noon pa man, kinuwestyon na ang pagkontrata ng DFA sa Apo Production Unit Inc. (APUI). Pero nitong Enero, muling naungkat ang kontrobersyal na kontrata ng APUI makaraang isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na itinakbo ng dating contractor ang mga mahahalagang data ng mga passport application.

Abante Hiring – IT dep

Kaya na raw ng BSP ang printing ng mga passport kaysa i-outsource ito sa pribadong kompanya. Nag-upgrade na kasi ang Security Plant Complex sa Quezon City at kaya na nilang magprint ng mga passport, pati na ang national ID.

Mabuti na rin ito kaysa mapunta sa pribadong kompanya ang kita sa printing ng passport. Balita ko P8 bilyon ang kita sa printing ng pasaporte lamang. Ang printing naman ng national ID, pinaglaanan na ng P3 bilyon ng Department of Budget and Management.

Sa ganitong sistema, lolobo ang capitalization ng BSP dahil exempted ito sa pagre-remit ng kita sa National Government bukod pa sa exempted rin sila sa pagbabayad ng ilang buwis. Tiyak na maraming pipiyok sa paglipat ng printing ng e-passport lalo pa’t P8 bilyong negosyo ito.

Nakapokus sa siyudad ng San Juan ang pagdiriwang kahapon ng piyesta ng St. John the Baptist dahil sa nararanasang krisis sa tubig. Tinuloy pa rin ni outgoing Mayor Guia Gomez ang basaan sa Wattah Wattah Festival dahil sa bahagi ito ng selebrasyon. Binawasan na lamang niya ang mga fire truck na gagamitin sa okasyon.

Pero maraming lugar sa bansa, lalo na sa Visayas at Mindanao ang mas masaya ang selebrasyon ng San Juan, tawag sa piyesta ng St. John the Baptist.
Karamihan ng mga tao ay nagpapaliguan sa dagat o ilog. Hindi nawawala dito ang bitbit na pagkain at inumin ng bawat pamilya o mga magbabarkada.