Abante Tonite Interactive

Ibalik sa P9 ang pamasahe

By
0 85

MOTO RISTA
Ismael Amigo
‘Yan ang ibinabang kautusan, direktiba ng DOTr kahapon sa LTFRB, na isang line agency ng una, na ibasura ang da­ting inaprubahang minimum fare increase na P10 at ibalik na nga sa dating pamasahe.

Tagumpay ito sa mamamayang ‘Pinas lalo na sa mga sumasakay sa mga provincial bus na nagulantang sadya sa igkas ng pamasahe!

Para sa kaalaman at kabatiran ng lahat ng mga ka-Moto, ang dating P96 na pamasaheng bus mula Sto. Tomas, Batangas ay humataw sa P130 magmula noong inaprubahan ng LTFRB ang naturang fare increase sa gitna ng kawing-kawing na oil price hikes noong Oktubre.

Ngunit sa gitna naman ng sunod-sunod na oil price rollbacks wala nang dahilan ang LTFRB na hindi baklasin ang binigay nitong fare increase.

At kung si katotong PJ Javellana na pinuno ng isang consumer group, ang masusunod, nararapat umano na mas mababa pa sa P9 ang itakdang minimum fare ngayon sa kadahilanang babagsak pa ang presyo ng langis sa susunod na mga araw.

Problema lang nito ‘yan na ang itinakda ng DOTr at ng LTFRB.

Kung may ganyang rollback sa presyo ng la­ngis, hindi ba’t hindi lamang ang pamasahe ang dapat magbaba?

Nararapat din na makisama ang mga negos­yante rito. Nararapat din na ibaba rin nila ang pres­yo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Gaya halimbawa ng gulay, itlog, manok, karne atbp.

Dapat din na magbawas sila ng presyo ng kanilang kalakal.

Ito’y sa kadahilanang malimit na sinasabi nila na kaya mataas ang presyo ng mga paninda nila ay dahil mahal ang diesel o gasolina.

Eh kung ganyan na bagsak na presyo ng gatong sasakyan, ano pa ang dahilan? Kagahamanan na lang siguro sa kita.
To God be the glory!