Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ibang ka-party ni Dacera matigas sa NBI

0 130

Ni Nancy Carvajal

Patuloy umano sa pagmamatigas ang ilang kasama ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera sa room 2009 ng City Garden Hotel sa Makati City, sa inihaing subpoena ng National Bureau of Investigation sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa kaso.

Maging ang hinihirit na resulta ng drug test ng mga imbestigador ay hindi pa umano ipinapasa ng ilang ka-party ng 23-anyos na dalaga na itinuturing ngayong persons of interest, ayon sa isang opisyal ng NBI.

Basahin: Droga sa ihi ni Christine ‘aamuyin’

“These are the friends of Dacera with her in room 2009, until now they have not cooperated with the investigation. They are now persons of interest,’’ saad ng opisyal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maging ang pagsasagawa ng CPR sa dalaga ng isa nitong tropa ay kanila umanong iimbestigahan.

`”We want to know why CPR was performed, but we don’t want to identify him yet,” dagdag ng source.

Kinumpirma pa ng opisyal na ang pagsusuri sa Deoxyribonucleic acid (DNA) ng NBI forensic team sa labi ng nasawing stewardess ay tumugma sa isinumiteng specimen ng Makati Medical Center.

”We wanted a DNA test, just to ensure that we have the same specimen for accuracy of the result of the investigation,’’ dugtong pa nito.

Binawi na rin ng pulisya ang kasong homicide na unang isinampa laban sa ilang kasama ni Dacera.

Base sa medical records na isinumite nila sa Makati City Prosecutor’s office, sinasabing natural ang sanhi ng pagkamatay ng FA taliwas sa unang police report na ruptured aortic aneurysm ang ikinasawi nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.