Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ibang senior fit pa – Guiao

0 240

HINDI kumporme si NLEX coach Yeng Guiao sa sinasabing at risk sa coronavirus ang mga nasa kategorya na ng senior citizens.

“There should be a balance in that kasi iba ‘yung calendar age sa physical age,” rason ni Guiao.

“Maraming senior citizens na physically fit, tulad ko. Marami ring mas bata na mayroong heart, lung problems. What about them?”

Reaksiyon ito ni Guiao sa panukala na magpapatupad ang PBA ng mas mahigpit na health protocols sa elder statesmen ng liga.

Sa new normal, dini-discourage ang mga 60-pataas na lumabas o makihalubilo sa mass gatherings dahil mas madali silang kapitan ng virus na sanhi ng COVID-19.

“We all know ang concern ni (PBA) commissioner Willie (Marcial) ‘yung health, safety and well-being ng mga nasa PBA and I respect that,” dagdag ng dating congressman ng 1st District ng Pampanga. “Pero there should be a balance there.”

Nag-61 na noong March si Guao pero nagja-jogging at nakikipag-sparring pa rin. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.