Abante Tonite Interactive

Ibasura si Cardema

369

Mga ex-NYC chair sa Comelec:

Nanawagan ang mga dating opisyal ng National Youth Commission (NYC) sa Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon ni dating NYC chairperson Ronald Cardema bilang kapalit ng kanyang asawa sa Duterte Youth party-list.

Kabilang sina Ice Seguerra at Dingdong Dantes sa anim na mga dating opisyal ng NYC na pumirma sa isang pahayag na kumukuwestiyon sa petisyon ni Cardema na nais umupo bilang kinatawan sa Kamara ng naturang party-list group.

Abante Hiring – IT dep

Iginiit ng mga ito na malinaw na nakasaad sa Section 9 ng Republic Act 7941 (Party-list Act) ang kuwalipikasyon ng nominee para sa youth sector na kinakailangang 25-anyos ngunit hindi hihihigit ng 30 taong gulang sa araw ng halalan.

Ayon sa mga dating opisyal, isang paglabag sa batas kapag pinayagang umupo bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list at madi-disenfranchise ang kabataan sa Kongreso kapag inaprubahan ito.

“We, former Chairpersons and Commissioners of the NYC, call for the outright dismissal of the applications of Duterte Youth Chairman Ronald Cardema and four others submitted as substitute nominees for Duterte Youth party-list,” ayon pa sa pahayag ng mga dating opisyal.