Abante Tonite Interactive

Iba’t ibang epekto sa katawan ng pagtakbo

By
681

Marami sa atin ang kinatatamaran na nga­yon ang pagtakbo. Mas maraming oras pa ang ginugugol sa gadgets o digital world. Kulang na sa ehersisyo kaya bata pa lang ay marami nang nararamdaman sa kalusugan.

Huwag sana nating kalimutan na ang pagtakbo ay maituturing ring gamot. Ito ay dahil sa malaking tulong ito upang mailayo tayo sa pagkabalisa at depresyon.

Nilalabanan din nito ang panghihina ng mga buto lalo na sa mga nagkaka-edad. Ang kainaman pa dito’y nakakadagdag ito ng bone mass, nagpapalakas ng tuhod at buto.

Nakakapagpa­liit ng tsansang dapuan ng kanser dahil habang tumatakbo ay maayos na naidi-distribute ang oxygen sa katawan na nagpapabagal naman para kumalat ang cancer cells.

Lumabas din sa pag-aaral ng Journal of Ado­lescent Health na nakapagpapabuti ng pagtulog, nagpapasaya at stress-buster ang kalahating oras na pag-jog kada linggo sa loob ng tatlong linggo.

Sa pag-aaral ay luma­bas ding iwas ­obesity, heart disease, stroke at type 2 diabetes ang pagtakbo.