Abante Tonite Interactive

Iba`t ibang posture tip

466

Ang pagtayo nang tuwid ay tumutulong sa baga, puso at iba pang bahagi ng katawan kung saan mainam din ito para maging normal ang daloy ng dugo.

Ang tamang posisyon ng pagtayo nang tuwid ay ang nakaliyad ang dibdib, nakapasok ang tiyan, pantay at diretso ang balikat at ang mga kamay ay nasa tagiliran.

Bukod sa pagtayo nang diretso ay importante rin ang maayos na pag­lalakad.

Upang maisagawa ito’y tiyaking komportable sa suot na sapatos, sandals o ano pa mang sapin sa paa.

Sa paglalakad ay kinakailangang tuwid o pantay lang ang ulo at baba ngunit nakatingin sa daraanan.

Sa pag-upo nama’y kinakailangang ituwid ang likod upang ‘di magmukhang kuba.

Isandal nang maayos sa likuran ng silya ang likod at ang mga paa ay itapak sa sahig kung saan nangunguna o naka-forward ang isang paa.

Higit sa lahat, magiging ma­ayos ang kalusu­gan kung may sapat na tulog at pahinga.

Importante rin ang wastong pagpili ng pagkaing sapat sa panga­ngailangan ng katawan.