Abante Tonite Interactive

Iba’t ibang uri ng Halusinasyon

By
209

Ano ba ang halusinasyon o hallucination sa English? Kung ikaw ay nakakakita o nakakarinig ng mga bagay na hindi ­naman talaga nag-e-exist, ito ay tinatawag na halusinasyon. Nagsisimula ang halusinasyon ng isang tao kung siya ay nakaranas ng kapinsalaan o kaya naman ay kapansanan na dulot ng matinding nerbiyos. Isa sa sintomas nito ang sakit na tinatawag na schizophrenia, isang mental illness.
Iba’t iba ang uri ng halusinasyon.

Panoramic hallucinations. Isa ito sa uri ng visual hallucinations na nagaganap sa isang tao kung ikaw ay nakakakita ng mga bagay na parang ikaw ay nananaginip. Halimbawa ay nakita mo ang isang kakilala na nakatayo sa isang sulok subalit wala naman talaga ito doon. O kaya ay isang hayop tulad ng aso na lumalakad sa iyong harapan pero sa totoo ay wala naman talagang aso.

Ang Musical Ear Syndrome na tinatawag ring auditory hallucinations at mas kilala sa tawag na Paracusia, ay kung meron kang nauulinigang mga boses sa iyong tenga. Mga animo bubuyog na bumubulong sa’yo at nagdidikta ng dapat mong gawin. Mga boses na halos hindi magpatahimik sa’yo kapag ikaw ay ­sinusumpong.

Tinatawag namang tactile hallucinations kapag may nararamdaman kang mumunting bagay sa’yong katawan tulad ng gumagapang na insekto sa iyong katawan na nakakairita at kung minsan ay nakakakiliti sa’yo. Nararamdaman mo rin dito ang mainit na dampi ng hangin sa’yong balat subalit wala naman itong pinagmumulan.

Kung meron ka namang naa­amoy na mula sa isang bagay, sa paligid o sa mismong katawan mo kahit wala naman talaga, ito ay tinatawag na olfactory hallucinations. ‘Yung nakakaamoy ka dahil lamang sa iyong nag­lalarong imahinasyon.

Samantalang ang gustatory hallucinations, ito naman ‘yung iba ang nagi­ging lasa mo sa iyong pagkain sa totoong lasa nito. Halimbawa, ang kinakain mo ay maalat pero tila matamis ang iyong panlasa dito o may nalasahan kang rekado na wala naman talaga doon.

Ilan lamang ang mga ‘yan sa mga uri ng halusinasyon na pinagdadaanan ng isang taong nakakaranas nito. Ang mga sakit na maaaring makaranas naman ng halusinasyon ay ang Parkinson’s di­sease, Alzheimer’s disease, migraine, brain tumor, epilepsy at schizophrenia.

Nakakatakot maranasan ito sa ating buhay. ‘Yung tipong maraming bagay kang nalili­mutan at nabubuhay ka sa kapaligiran o pangyayaring hindi makatotohanan. Na ang lahat ay nililikha lang ng iyong isipan. Kaya naman hangga’t matalas pa ang ating memorya, namnamin natin ang sarap at saya ng buhay na totoo at hindi halusinasyon lamang.