Abante Tonite Interactive

IBP mag-iimbestiga sa presscon ni ‘Bikoy’

0 355

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa kontrobersiyal na press conference sa kanilang tanggapan sa Pasig City ni Peter Joemel Advincula, ang nagpakila­lang siya si alyas ‘Bikoy’ sa likod ng narco-list vi­deo.­

Ito ang tiniyak ng bagong IBP national­ president na si Atty. Eyon Cayosa kaugnay sa pagkakasangkot ng kanilang tanggapan sa paglutang ni Advincula­ sa headquarters ng IBP noong nakaraang linggo.­

“Be assured that we will responsibly do our job as elected leaders of the organization and safeguard the interests­ and integrity of the IBP,” ayon sa pahayag ni Cayosa nitong Lunes.

Abante Hiring – IT dep

Una nang tinanggihan ng IBP ang kahi­lingan ni Advincula na mabigyan siya ng free legal assistance.

Noong Biyernes ay sinampahan ng disbarment complaint ng Kabalikat Party-list sa Supreme Court si Cayosa at ang pinalitan niyang IBP president na si Atty. Abdiel Dan Elijah Fajar­do dahil sa pag­labag umano sa Rule 1.02 ng Code of Professional Responsibility matapos payagan si Advincula na gamitin ang tanggapan ng IBP para akusaha­n ang mga kapa­milya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kaal­yado nito na sangkot diumano sa illegal drug trade. (PNA)